Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Litratong Pinoy. Show all posts

Wednesday, March 10, 2010

LP 96: Likas (Human Nature)

Nakakatuwa talaga ang mga bata. Sadyang may likas na pagkamangha sa mundo ang kanilang mga mata. Tulad nitong Higa-onon na bata sa larawan. Bumisita ako sa kanilang pamayanan para kamustahin ang paaralan na sinusuportahan ng aming organisasyon. Kinunan ko siya ng larawan. Marahil, unang pagkakataon niyang makakita ng DSLR, kaya manghang-mangha ang hitsura niya sa larawan. Isa ito sa mga pinakapaborito kong larawan. :)

Children are really amusing. Their eyes have a natural wonder with the world. Like this Higa-onon child in the picture. I visited their community to see how the school we are supporting is doing. I took a picture of her. It might be her first time to see a DSLR that is why her pictures looks in awe. This is one of my favorite pictures. :)


Thursday, March 4, 2010

LP 95: Kalikasan

Tag-lagas o autumn ang isa sa mga inabangan kong maranasan nuong tumira ako sa Netherlands. Maliit pa ako, pangarap ko na makakita ng punong nagsisimulang mamula ang dahon.

Autumn was one of the things I was excited to experience when I lived in the Netherlands. Even as a child, I have always dreamed to see a tree whose leaves have begun to turn red.

Kaya nung dumating ang taglagas sa Den Haag, sinadya kong maglaan ng isang araw na kumuha lang ng larawan. Nag-adventure ako nung araw na ito. Pagkatpos ng misa, pumasok ako sa isang maliit na daan na hindi nalalaman kung saan ito papunta.

So when autumn came in Den Haag, I made sure to spend one day just to take pictures. I had an adventure that day. After mass, I ented a small road without knowing where it leads.


Natuwa naman ako sa bumati sa akin. Isang park kung saan unti-unti nang naglalagas ng dahon.

I was happy to see what greeted me. A park where the trees were beginning to shed their leaves.

Mayroong kakaibang salamangka ang taglagas. Isang pagkakataon na makita ang kalikasan na dahan-dahang namamatay ng isang magandang kamatayan. Ngunit sa bawat lagas ng dahon, alam mong ilang panahon lang ay muling mamumukadkad ng matingkad na berde. Ang taglagas ay isang patunay na umiikot ang inog ng mundo.

Autumn has a different magic. It is that chance to see nature slowly dying a beautiful death. But for each leaf shed, you are certain that in time, trees will once again give birth to spring green leaves. Autum is proof that the world is turning.



Thursday, February 25, 2010

LP 94: Husay



DSC_9009


May isang bahay na dinisenyo si Gaudi sa Barcelona na tinatawag na Casa Battlo. Isang bahagi ng bahay na iyon ang nasa larawan sa itaas. Sadyang nakakamangha ang husay ng pag-iisip ni Gaudi! Tubig ang inspirasyon niya sa Casa Battlo kaya hindi masyadong malinya ang pagkakagawa. Kurba-kurbada ang mga pinto at bintana, sumisimbolo sa katangian ng tubig na dumaloy.

Marami pang ginawa si Gaudi sa Barcelona, kasama na ang Parc Guell. Sinadaya kong makita ang lugar na ito dahil napanuod ko ito sa Meteor Garden at pati na rin sa America's Next Top Model. Syempre, dapat ako rin, maranasan ko ang rumampa at tumakbo sa kakaibang arches na meron ang daanan na ito!

DSC_9498

Para sa akin ang Barcelona ay si Gaudi. Patuloy akong namamangha sa kanyang galing at kakaibang talino!