Tag-lagas o autumn ang isa sa mga inabangan kong maranasan nuong tumira ako sa Netherlands. Maliit pa ako, pangarap ko na makakita ng punong nagsisimulang mamula ang dahon.
Autumn was one of the things I was excited to experience when I lived in the Netherlands. Even as a child, I have always dreamed to see a tree whose leaves have begun to turn red.
Kaya nung dumating ang taglagas sa Den Haag, sinadya kong maglaan ng isang araw na kumuha lang ng larawan. Nag-adventure ako nung araw na ito. Pagkatpos ng misa, pumasok ako sa isang maliit na daan na hindi nalalaman kung saan ito papunta.
So when autumn came in Den Haag, I made sure to spend one day just to take pictures. I had an adventure that day. After mass, I ented a small road without knowing where it leads.
Natuwa naman ako sa bumati sa akin. Isang park kung saan unti-unti nang naglalagas ng dahon.
I was happy to see what greeted me. A park where the trees were beginning to shed their leaves.
Mayroong kakaibang salamangka ang taglagas. Isang pagkakataon na makita ang kalikasan na dahan-dahang namamatay ng isang magandang kamatayan. Ngunit sa bawat lagas ng dahon, alam mong ilang panahon lang ay muling mamumukadkad ng matingkad na berde. Ang taglagas ay isang patunay na umiikot ang inog ng mundo.
Autumn has a different magic. It is that chance to see nature slowly dying a beautiful death. But for each leaf shed, you are certain that in time, trees will once again give birth to spring green leaves. Autum is proof that the world is turning.
12 comments:
i love autumn! sana maranasan ko ring makapunta sa isang bansa pag autumn :)
happy huwebes!
ito naman ang lahok ko sa linggong ito: http://sunshinearl.com/2010/lp-kalikasan-nature/
Hi Anj, tumira ka pala dito, babalik ka ba ulit? 'Would love to meet up with you :)
Oo nga, autumn colors are wicked! Gusto ko din ang panahon na yan dahil sa kulay..yun nga lang, ibig sabihin din nyan ay nasa likod lang ang winter na hindi ko masyado type..pero oks lang :)
Happy LP!
Thesserie.com
that's why i love autumn...it's so magical :)
lovely photos.
salamat, ibyang. :)
@thess: sana nga makabalik ako dyan. at home talaga ako sa netherlands. may ilan sa entries mo before nag-engganyo sa akin na puntahan mga lugar tulad ng selexyz sa maastricht. hehe! naks!
@arl: darating din yan! may mga dreams na kayang tuparin. :)
It is the leaves color transformation that makes me love winter. :)
Ang ganda ng lugar na ito. Sometimes the end of an unknown road is like paradise. :)
Arlene
http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2010/03/lp-kalikasan-nature.html
One of my favorite season! Love the burst of bright colors!
very nice shot, i love it, autumn ang gusto kong weather kasi di mainit di rin malamig, hapi LP
the colors of autumn is a great subject. galing shots mo. salamat sa pagdalaw.
Ang aking lahok
Enjoy akong naglakakad sa mga tuyong dahon, inaamoy ko pa sila, kasi autumn din nung nagpunta ako dito sa syudad...amoy na amoy ko ang parang pinipig noon hehe.
www.gmirage.com
Pareho tayo, Anj, paborito ko rin ang drama at salamangka ng tag-lagas! And so true - autumn's beautiful death always leads to a glorious resurrection in spring! Happy LP!
Eto naman ang lahok ko:
http://chinois972.wordpress.com/2010/03/03/lp-95-kalikasan/
wow! kaya lalo kong nagiging fave ang fall season kahit di ko pa na experience, dahil sa mga litratong katulad ng sayo
my entry
i love the symmetry on the 1st shot, and the accent of the yellow leaf on the 2nd one :) beautiful autumn colors, parang nafi-feel ko na rin ang malamig na simoy ng hangin. happy LP!
Post a Comment