May isang bahay na dinisenyo si Gaudi sa Barcelona na tinatawag na Casa Battlo. Isang bahagi ng bahay na iyon ang nasa larawan sa itaas. Sadyang nakakamangha ang husay ng pag-iisip ni Gaudi! Tubig ang inspirasyon niya sa Casa Battlo kaya hindi masyadong malinya ang pagkakagawa. Kurba-kurbada ang mga pinto at bintana, sumisimbolo sa katangian ng tubig na dumaloy.
Marami pang ginawa si Gaudi sa Barcelona, kasama na ang Parc Guell. Sinadaya kong makita ang lugar na ito dahil napanuod ko ito sa Meteor Garden at pati na rin sa America's Next Top Model. Syempre, dapat ako rin, maranasan ko ang rumampa at tumakbo sa kakaibang arches na meron ang daanan na ito!
Para sa akin ang Barcelona ay si Gaudi. Patuloy akong namamangha sa kanyang galing at kakaibang talino!
17 comments:
Naku yan ang wish ko makita!! Mga likha ni Gaudi! gosh, parehong maganda ang nakikita ko sa mga kuha mo *makapagbakasyon sana agad sa Espanya* =)
Thess
Ganda!! Naalala ko nga yang mga arches na yan sa ANTM.
Magandang araw! Ito naman ang lahok ko: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2010/02/lp-husay-skill.html
Wow! Parang gusto ko rin rumampa dito! Seriously, I love the design. A must visit place.
ang ganda,lalo yung pangalawang picture :)
ang aking LP:
http://greenbucks.info/2010/02/24/mahusay-nga-ba-ang-pinoy/
Sarap naman! Sana mabisita ko rin ang Barcelona balang araw at nang makita ko rin ang Sagrada Familia... thanks for sharing!
Ang lahok ko ay nandito: http://chinois972.wordpress.com/2010/02/24/lp-94-husay/
Ang ganda naman dyan! Kahit hindi ko sya kilala pero mahusay nga sya sa mga disenyo nya!
Litratong Pinoy
maganda cya. kakaibang disenyo.
Happy LP
kakaiba nga at sana mapuntahan ko yan balang araw..magkano kaya ang entrance fee dyan ano?
maligayang LP!
http://www.pinaylighterside.com/2010/02/litratong-pinoy86-husay-ability.html
salamat! isa talaga sa paborito kong lugar ang barcelona.
kung sa entrance fee naman, medyo may kamahalan pero worth it naman. sa casa battlo ay 14 euros pero kasama na ang audio guide. sa sagrada familia naman 9.50 euros (baka para matapos na. hehe!). ang parc guell naman ay libre! yey!
Ganda! Gusto ko ang pangalawang litrato!
recently, a Pinay blogger from CA shared photos from her Barcelona trip at maraming syang litrato ng mga gusali na dinesenyo ni Gaudi. kakaiba nga ang kanyang designs, mag pagka-weird din.:p
ang 2nd photo mo, ang ganda!
ang ganda ng pangalawang larawan, nakakabilib ang husay ng pagka-disenyo!
eto naman ang Husay ng aking anak.
Galing naman talaga ni Gaudi. Maligayang Huwebes Anj!
Ay oo, nakita ko nga ito sa "The Next Top Model" ni Tyra. Ang husay nga.
Eto ang aking lahok
Tunay ngang nakakamangha lalo na ang panagalawang litrato. Gusto ko rin makapunta diyan. Sana nga.
Salamat ng pala sa pag link mo sa pahina ko. I-link din kita. :)
Wow! ang ganda dyan. love the photos.
http://canadianscrapbookerblog.com/2010/02/25/husay-lp/
ang ganda naman nyan. at ang chandelier, na-inlove naman ako :)
ang swerte mo na makita yan.
Post a Comment